Unang batch ng Pinoy repatriates mula Kuwait, dadating ngayong araw

     7 months ago
26
Leave a Comment
4 SHARE

STAR FM BACOLOD – Dadating na ngayong araw dito sa Pilipinas ang unang batch ng mga Pilipino mula sa Kuwait.

Sa exclusive interview ng Star Fm Bacolod kay Philippine Ambassador to Kuwait Renato Pedro Villa, sinabi niyang 400 na overseas Filipino workers (OFWs) na nag-overstay sa Kuwait ang uuwi ngayong araw.

Dagdag pa niya na maaaring makakaantala sa repatriation ng ilang OFWs ang pagbibigay ng clearance ng immigration department.

“Ang isa lang namang crucial dito o yong baka makapag delay doon sa repatriation nong ilan ay yong pagbibigay ng clearance nd immigration department. Kasi lahat ng uuwi kailangan may immigration clearance. Ang amin palang nakuhang immigration clearance at mahigit palang 1,200,” pahayag ni Villa.

Sa ngayon daw ay nasa 10,800 ang mga Pilipino ang over staying na sa Kuwait, 2,200 naman ang mga nagpagrehistro na para sa repatriation.

Inaasahan naman ng embahada na bago matapos ang amnesty sa February 22 ay may 7,000 pa ang magparehistro.

Una na nilang inanunsiyo na magbibigay ang Philippine government ng libreng sakay pauwi.

Sinabi din ni Ambassador Villa na wala pa umanong silang nababalitaang reaction ng Kuwaiti government, matapos naman ang pag-anunsiyo ni Pangulong Duterte na ipatutupad na ang total deployment ban ng mga manggagawang Pinoy sa Kuwait kasunod ng natagpuang bangkay ng Pinay OFW sa loob ng isang freezer at ang pagtanggi ng Kuwaiti government na pumirma sa memorandum of agreement (MOA) para sa dagdag proteksiyon ng mga manggagawang Filipino sa kanilang bansa.

Posibleng ngayong araw pa umano malalaman kung ano ang masasabi ng Kuwaiti government sa isyu.

“Inaasahan ko na baka ipatawag uli ako ng kanilang Ministry of Foreign Affairs, ngunit sa ngayon ay wala pa kaming nababalitaang reaction nila,” dagdag ni Villa.

Source link

Post Comments