UPDATE: 12-anyos na babaeng estudyante, suspek sa school shooting sa LA

     2 months ago
12
Leave a Comment
5 SHARE

 

Isang 12-anyos na babae ang suspek sa pinakahuling kaso ng pamamaril sa isang paaralan sa Amerika.

Naganap ang pamamaril ng babaeng menor de edad sa loob ng isang classroom sa Salvador Castro Middle School sa Westlake District, dakong alas 9:00 ng umaga, oras sa Los Angeles o ala-una ng madaling-araw ng Byernes, oras sa Pilipinas.

Ayon sa Los Angeles Police Department, nasa kanilang kustodiya na ang suspek na kasalukuyan nang iniimbestigahan upang matukoy ang motibo nito sa pamamaril.

Samantala, nasa kritikal na kondisyon naman ang kinse anyos na lalakeng estudyante na isa sa dalawang nabaril ng suspek matapos itong tamaan ng bala sa ulo.

Ang isa namang kinse-anyos na babaeng biktima ay ligtas na sa kapahamakan matapos tamaan ng bala sa kanyang kamay.

Tatlo pang mag-aral at staff ng paaralan ang nasaktan matapos magtamo ng mga sugat at galos matapos mag-panic dahil sa sunud-sunod na putok na umalingawngaw sa paaralan.

Source link

5 SHARE

Post Comments