Urban Poor Commission, may bagong pinuno na

     7 months ago
25
Leave a Comment
4 SHARE

 

May napili nang bagong chairman ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay sa katauhan ni Noel Kinazo Felongco.

Uupo si Felongco bilang PCUP chairman kapalit ng sinibak na si Terry Ridon dahil sa madalas na pagbiyahe sa abroad.

February 1 pa nang lagdaan ng pangulo ang appointment paper ni Felongco.

Bago naitalagang PCUP chairman, nagsilbing undersecretary ng Department of Environment and Natural Resources si Felongco

Bukod kay Felongco, itinalaga rin ng pangulo si Romeo Halasan Jandugan bilang commissioner ng PCUP.

Samantala, itinalaga ng pangulo si Ferdinand Bocobo bilang miyembro ng consultative committee na magre-review sa 1987 Constitution.

Nais kasing baguhin ng pangulo ang kasalukuyang porma ng gobyerno na unilateral patungong pederalismo.

Source link

4 SHARE

Post Comments