US Embassy sarado bukas, June 12

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Pinaalalahanan ng Embahada ng Amerika sa Pilipinas ang publiko na wala silang tatanggaping anumang transaksyon bukas, araw ng Martes, June 12.

Ayon sa abiso ng embahada, sarado sila sa June 12 na deklaradong regular holiday sa Pilipinas dahil sa paggunita ng Araw ng Kalayaan.

Muling magbabalik sa normal ang operasyon ng embahada sa Miyerkules, June 13 at sa Huwebes June 14.

Habang sa Biyernes, June 15, wala muling tatanggaping transanksyon sa embahada dahil holiday muli sa Pilipinas para sa pagtatapos ng Ramadan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

0 SHARE

Post Comments