Usec. ng DOJ itinalaga ni Pang. Duterte bilang bagong Comelec commissioner

     2 months ago
53
Leave a Comment
13 SHARE

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ka-brod nito sa fraternity para makumpleto na ang mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec).

Si Department of Justice (DOJ) Undersecretary Antonio Kho Jr. ang hinirang ng pangulo bilang bagong commissioner ng poll body.

Pupunan ni Kho ang nabakanteng pwesto ng ngayon ay Chairman na ng Comelec na si Sheriff Abas.

Si Kho ay maninilbihan sa Comelec hanggang February 2022.

Miyembro si Kho ng San Beda University-based Lex Talionis Fraternitas at siya na ang ikaapat na appointee ni Duterte sa Comelec.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

13 SHARE

Post Comments