UV Express driver na nanutok ng baril arestado sa Quezon City

     6 months ago
46
Leave a Comment
36 SHARE

Iginigiit ng lalaking driver ng UV Express na hindi totoo ang mga paratang na ibinabato sa kanya.

Ito ay matapos siyang arestuhin ng mga elemento ng Quezon City Police District (QCPD) Station 2 sa mismong terminal ng mga van sa isang sikat na mall sa Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City.

Ayon sa 35 taong gulang na suspek na hiniling na huwag na siyang pangalanan, nag-away lamang sila ng complainant na kapwa UV Express driver ngunit hindi totoong tinutukan niya ito ng baril.

Aniya pa, nauna siya sa pila ng mga van at gusto ng kararating lamang na complainant na ang van niya ang unang mapuno.

Dito na sila nagkasagutan.

Ayon kay Police Superintendent Carlito Mantala, hepe ng QCPD Station 2, mismong ang complainant at iba pang mga driver na nakakita sa pag-iiringan ng dalawa ang nagsabi na nanutok ng baril ang suspek.

Aminado ang suspek na dala niya ang kanyang baril, ngunit ito ay dahil ibebenta niya ito. Umamin rin ang suspek na napaso na ang lisensya at permit to carry nito.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang calibre 45 baril na kargado ng 8 mga bala.

Mahaharap ang suspek sa kasong grave threat at posible rin itong makasuhan ng illegal possession of firearms and ammunition.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

36 SHARE

Post Comments