Vice Mayor ng Sapa-Sapa, Tawi-Tawi patay sa ambush

     2 months ago
40
Leave a Comment
17 SHARE

Patay sa pananamabang si Sapa-Sapa, Tawi-Tawi Vice Mayor Alrasid Mohammad Alih sa gitna ng traffic sa Zamboanga City.

Dead-on-arrival si Alih nang barilin ng nag-iisang gunman sa kahabaan ng Governor Alvarez Avenue na ilang kilometro lang layo mula sa city hall.

Naganap ang naturang ambush bandang 5:30 ng hapon kanina.

Narekober naman mula sa pinangyarihan ng insidente ang apat na empty shell mula sa Caliber 45.

Sakay si Alih ng kanyang Toyota Innova na may plakang KDV-514 na galing city proper.

Lulan din ng nasabing sasakyan ang driver nito, police escort at isa pang babae na hindi naman tinamaan ng bala.

Kasalukuyang pinag-aaralan ng mga pulis ang mga kuha ng CCTV sa lugar sa pag-asang nakunan ng camera ang suspek sa krimen.

Si Alih ay kabilang sa listahan ng mga local officials na napatay sa nakalipas lamang na dalawang linggo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

17 SHARE

Post Comments