Victor Magtanggol, hindi napataob ang FPJ’s Ang Probinsyano sa unang araw ng showing

     1 month ago
76
Leave a Comment
12 SHARE

Hindi natinag ang “FPJ’s Ang Probinsyano” sa ABS-CBN sa pagpasok ng super hero serye ni Alden Richards na “Victor Magtanggol” sa GMA 7.

Kung pagbabasehan ang resulta ng TV rating ng Kantar Media na may petsang July 30, kung kailan inilabas ang pilot episode ng “…Magtanggol,” mas marami pa rin ang tumutok sa teleserye ni Coco Martin.

Nakakuha ng 42.4% ang “Ang Probinsyano” habang nasa 20% lamang ang “Victor Magtanggol.”

Kung pagbabatayan naman ang rating ng AGB Nielsen Philippines’ Nationwide Urban Television Audience Measurement (NUTAM) People in Television Homes, ang pilot ng serye ni Alden ay mayroon lamang 12.4% habang ang kalaban ay 14.7%.

Sa kabila nito, naging number 1 trending topic naman sa Twitter ang Victor Magtanggol.

Noong Lunes (July 30) kasabay ng pilot episode, umani ng suporta sa kanyang mga fans ang serye ni Alden na may hashtag na #VictorMagtanggolAngSimula na umani ng 200k tweets.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

12 SHARE

Post Comments