Video ng mga talumpati ng pagbabanta ng pangulo sa buhay ng mga drug users, isinumite sa ICC

     2 months ago
48
2 Comments
141 SHARE

 

Nagpadala ng mga kopya ng video footage ng mga talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Antonio Trillanes sa International Criminal Court o ICC.

Ayon kay Trillanes, laman ng mga naturang video footage ang mga talumpati ng pangulo kung saan nagbabanta ito na papatayin ang mga drug addict at nagtutulak ng droga.

Sa kanyang privilege speech, kinumpirma ng senador na magiging bahagi ng mga ebidensya laban sa pangulo sa preliminary examination ng ICC ang mga naturang footage ng kanyang sariling talumpati.

Ito ay bahagi pa rin ng isasagawang preliminary examination sa reklamong paglabag sa crimes against humanity na kinakaharap ng pangulo sa ICC.

Dagdag pa ni Trillanes, noong mga unang buwan ng panunungkulan ng pangulo ay malinaw at hayagan ang mga sinasabi nito ukol sa polisiya ng pagpatay sa mga tulak ng ipinagbabawal na gamot.

Sa ilalim aniya ng Rome Statute, hindi kinakailangan ng direktang kautusan upang mapatunayan ang kasong crimes against humanity sa isang inaakusahan.

Malinaw rin aniya sa mga naging pahayag ng pangulo na sa halip na pigilin ang mga insidente ng pagpatay, ay inengganyo pa ito ng pangulo sa kanyang mga talumpati.

Source link

141 SHARE

Post Comments