Voluntary repatriation ng OFWs sa Kuwait, sisimulan na – Bello

     7 months ago
19
Leave a Comment
6 SHARE

Kinumpirma ni Labor Sec. Silvestre Bello III na sisimulan na ang proseso ng pagpapauwi sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na may problema o reklamo sa kanilang mga amo sa Kuwait.

Ito ay kasunod ng anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi na ipatutupad na ang total ban ng deployment ng OFWs sa Kuwait kasunod ng pagkakamatay ng ilang Pinay domestic helpers doon.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Sec. Bello, magiging voluntary repatriation ang gagawin at sagot ng gobyerno ng Pilipinas ang gagastusin sa pamasahe ng mga OFWs na gustong uuwi na sa bansa.

Ayon kay Sec. Bello, nag-ugat ang desisyon ni Pangulong Duterte sa natagpuang bangkay ng Pinay OFW sa loob ng isang freezer at ang pagtanggi ng Kuwaiti government na pumirma sa memorandum of agreement (MOA) para sa dagdag proteksyon ng mga manggagawang Pilipino sa kanilang bansa.

Inamin din ni Bello na hindi na muna matutuloy ang nakatakdang biyahe sana ni Pangulong Duterte sa Kuwait sa darating na Marso.

Source link

Post Comments