VP Robredo pinondohan ang Black Friday protest

     1 year ago
554
Leave a Comment
0 SHARE

Tinawanan lang ni Vice President Leni Robredo ang akusasyon na pinondohan nito ang isinagawang Friday protest laban sa pagkakalibing ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

“Natatawa,” the Vice President said when asked about her reaction. “Nahihirapan nga ako magpondo ng aking election case, ito pa kaya?” sabi nya.

“At parang insulto naman yata iyan sa mga kabataan na nakikita naman natin ang mga rallies ngayon panay kabataan…” dagdag ni Leni.

Mali aniya na pinapalutang ang ganitong akusasyon lalo na’t lahat ng mga nakiisa sa pagtitipon ay naniniwala lamang na mali ang isinagawang hero’s burial kay Marcos.

Sinabi rin ng pangalawang pangulo na lahat na nakakakilala sa kanya ay hindi maniniwala na kaya niyang magpondo para sa nasabing pagtitipon dahil wala naman siyang pera.

“Siguro kung ako iyong pumupondo—lahat naman ng nakakakilala sa akin, alam naman na wala akong pera. Alam ng lahat iyon,”.

Inakusahan si Robredo at ang Liberal Party ng The Public Defenders, isang grupong na sumusuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte na nasa likod ng kilos protesta na isinagawa noong Biyernes sa Luneta.

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/590378/news/nation/leni-denies-funding-black-friday-protest

Post Comments