‘Wala akong ibinulsa sa P80-M ‘food promotions deal’ – Cesar Montano

     58 mins ago
5
Leave a Comment
5 SHARE

Nakahanda umanong sumailalim sa anumang imbestigasyon ang aktor at chief operating officer ng Tourism Promotions Board (TPB) na si Cesar Montano, kaugnay ng pinasok nitong deal para sa “buhay carenderia project.”

Ayon kay Montano, hindi raw siya kumita sa transaksyon, kahit naglaan ng P80 million fund ang DoT.

Gayunman, bunsod ng kawalan ng bidding, ipinatigil na ito ni DoT Sec. Bernadette Romulo-Puyat.

Pero kailangan pa ring mabawi ang naibayad na pera sa kompaniyang nasa likod ng deal.

Giit ng aktor, pinasok niya ang kasunduan para sa promosyon ng mga pagkaing Pinoy dahil ganito na rin ang sistemang kanilang nadatnan.

Kung magpapatawag daw ng inquiry ang Senado, hindi raw siya mag-aatubiling dumalo para ipagtanggol ang sarili.

Source link

Post Comments