‘Wala ng job order sa gov’t agencies pagsapit ng Disyembre 2018’ – Bello

     3 months ago
42
Leave a Comment
9 SHARE

Tiniyak ni Labor Sec. Silvestre Bello III na wala nang job order sa opisina at ahensya ng pamahalaan simula sa Disyembre 2018.

Pahayag ito ni Bello matapos aminin na mayroon ngang job orders at casual employees sa gobyerno.

Subalit iginiit ng kalihim na hindi sakop ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang usapin na ito kundi ng Civil Service Commission.

Gayunman, tiniyak ni Bello sa kanilang nasasakupan na magiging mahigpit sila sa pagpapatupad sa executive order na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Mayo 1 kontra kontraktwalisasyon o end of contract (endo) scheme.

Sa katunayan aniya, hindi na raw nila kailangan pa ang naturang executive order sapagkat may existing naman daw silang department orders na tumatalakay sa kontraktwalisasyon.

Source link

Post Comments