‘Walang direktang ebidensya vs Sec. Bong Go’ – Honasan

     7 months ago
24
Leave a Comment
5 SHARE

Wala umano silang napigang ebidensya na direktang mag-uugnay kay Special Assistant to the President Sec. Bong Go, ukol sa isyu ng frigate deal o pagbili ng barkong pandigma para sa Philippine Navy.

Ayon kay Senate committee on national defense and security chairman Sen. Gregorio Honasan, kung pagbabatayan ang mga narinig at nabasa niya, wala pang matatawag na “link” kay Go ang pinasok na kasunduan.

“Wala pa tayong makitang kaugnayan ni Sec. Go. Pero hindi pa naman ito conclusion,” wika ni Honasdan.

Gayunman, pag-aaralan pa raw nila ang ibang data na ihaharap sa susunod na hearing.

Hindi pa matukoy ni Honasan kung kailan ang panibagong araw ng pagdinig dahil kakausapin pa raw nito ang mga kasamahan sa komite.

Samantala, inakusahan naman ni Go na tutol sa modernisasyon ng militar ang mga nagdadawit sa kaniya sa nasabing deal.

Aniya, sinasadya lang siyang kaladkarin sa isyu upang hindi umusad ang pagbili ng mga gamit na kailangan ng pamahalaan para protektahan ang mga karagatang sakop ng ating bansa.

Source link

Post Comments