Walang naitalang patay sa pananalasa ng Habagat – OCD

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Wala pang naitatalang nasawi ang Office of the Civil Defense (OCD) kasunod ng halos ilang araw na pananalasa ng Habagat sa malaking bahagi ng Metro Manila at mga karatig-lalawigan.

Sa panayam ng mga mamamahayag kay OCD spokesperson Edgar Posadas, umaasa anya sila na manatili ang zero casualty record.

Nalubog sa baha ang Metro Manila at mga katabing probinsya dahil sa malalakas na pag-uulang dala ng Habagat na pinalakas ng Bagyong Karding na nasa labas ng bansa.

Ayon kay Posadas, ang malubhang pagbaha sa Matro Manila ay bunsod ng mataas na rainfall volume na naitala noong Sabado.

Sa lungsod ng Marikina, Quezon City, Maynila at iba pang lungsod at bayan ay maraming inilikas dahil sa panganib ng ulan.

Samantala, kasalukuyan pa ring isinasailalim sa validation kung ilan na ang naapektuhang pamilya bunsod ng pag-uulan at malawakang pagbaha ayon kay Posadas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

0 SHARE

Post Comments