‘Walk for Life’ ng Simbahang Katolika, welcome sa Malacañang

     2 months ago
17
Leave a Comment
13 SHARE

Welcome sa Malacañang ang “Walk for Life” ng Simbahang Katolika bilang pagkondena sa ilang usapin ng bayan.

Ipinahayag ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang naturang prayer rally ay patunay na buhay ang demokrasya at kalayaan sa bansa.

Sinabi rin ni Roque na bukas si Pangulong Rodrigo Duterte sa constructive criticism. Aniya, pinapayagan niya ang paghayag ng saloobin ng publiko nang hindi lumalabag sa batas.

Pinasalamatan din ni Roque ang pakikipag-ugnayan ng mga lider ng simbahan sa mga otoridad para sa mapayapang pagtitipon.

Source link

13 SHARE

Post Comments