Watch: Babae nagwala sa Greenhills dahil sa illegal parking

     7 months ago
66
Leave a Comment
4 SHARE

Viral ngayon ang isang video ng isang babae na nagwala makaraan lagyan ng wheel clamp ang kanyang kotse sa Barangay Greenhills, San Juan City.

Sa nasabing cellphone video, makikitang sinugod pa ng babae at sinaktan ang tauhan ng Barangay.

Kuwento ni Barangay Traffic Enforcer Alnor Imperial, na-clamp ang kotse ng babae dahil sa illegal parking.

Pero hindi nito matanggap kaya siya nagwala at nagsisigaw at naupo pa sa gitna ng kalsada na naging dahilan ng pagsisikip sa daloy ng trapiko sa lugar.

Minura pa nito ang tauhan ng Barangay Greenhills at pilit na pinaalis ang clamp.

Napahupa lamang ang galit ng babae nang dumating ang kapatid nito na isang sundalo at miyembro umano ng Presidential Security Group.

Plano ng mga opisyal ng Barangay Greenhills na kasuhan ang nasabing babae na hindi na nila pinangalanan pa.

 

Watch:

Eskandalosang babae nagwala matapos maclamp ang sasakyan

Eskandalosa tong babae na to infront of our office. Annapolis st. Greenhills, San Juan. Ang lala, siya na yung mali ng parking kaya naclamp sasakyan niya. Sy…

youtube.com

 

Source link

4 SHARE

Post Comments