WATCH: Driver ni PBA player Douglas Kramer, arestado sa pagnanakaw

     1 month ago
55
Leave a Comment
9 SHARE

Naaresto ng Quezon City Police District ang driver ng PBA player na si Douglas Kramer kabilang ang kasama nito dahil sa pagnanakaw.

Kinilala mismo ng mga biktima ang mga suspek na sina Eddie Valliente, nagmamaneho ng taxi na pagmamay-ari ni Kramer at si Ronald Calderon.

Sa kwento ng biktima, pumasok ang mga suspek sa bahay nila sa Barangay Veterans Village Project 7 na kunwari ay may hinahanap silang tao, pero nang makita ng mga suspek na parehong babae saka sila nagdeklara ng holdup.

Sa kanilang pagtakas ay nahagip ng CCTV camera ang taxi na Toyota Vios na may plakang WQL392 na ginamit nilang getaway vehicle.

Natunton naman na nakapangalan ito sa PBA player na si Kramer na agad namang nakipagtulungan sa mga pulis.

PBA player ang kinaroroonan ng driver kung kaya’t naaresto ito sa # 38 Tatco, Bagong Ilog Pasig.

Lumilitaw na may mga kaso na ng pagnanakaw si Valiente sa Valenzuela city.

Aminado naman ang mga suspek sa kanilang ginawa habang hinahanap pa ang iba pang kasama nito.

May ulat si Jong Manlapaz:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

9 SHARE

Post Comments