WATCH: Lalaki arestado sa Maynila; aktwal na pagbatak ng shabu, sapul sa video

     2 months ago
26
1 Comment
9 SHARE

Arestado ang isang lalaki na nagtutulak at gumagamit ng shabu sa ikinasang drug buy-bust operation sa LRC Compound Recto Avenue Sta. Cruz Maynila kagabi.

Sa video ng isang informant ng Sta. Cruz Police Station, makikita ang suspek na si Angelito Valdez Jr. alias Jonjon, 37 taong gulang na abala sa pagbatak ng shabu sa loob ng kanyang bahay.

Ayon kay Police Senior Inspector Ana Lourence Simbajon, tagapagsalita ng Sta. Cruz Police, bumili ang operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng dalawangdaang pisong halaga ng shabu mula sa suspek.

Nang magkaabutan na ng illegal na droga at pera ay agad na inaresto si Valdez.

Kwento ng suspek, nakukuha niya ang shabu mula sa isang alias papa at ang kita niya kada araw ay P600.

Nakuha sa suspek ang dalawang sachet ng shabu.

Kakasuhan siya ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

9 SHARE

Post Comments