WATCH: Mga mag-aaral na lumahok sa Nationwide Walkout of Students, nagmartsa patungong Mendiola

     6 months ago
121
Leave a Comment
147 SHARE

Nagsagawa ng kilos protesta ang grupo ng mga kabataan at estudyante sa Maynila

Bitbit ang mga effigy nina Pangulong Rodrigo Duterte, Defense Secretary Delfin Lorenzana, PNP Chief Ronald Dela Rosa, National Security Adviser Hermogenes Esperon at DILG Sec. Eduardo Año, nagmartsa patungong Morayta at at sa Mendiola ang grupo.

Pawang mga naka-itim na kasuotan at may dalang mga kulay pula at itim na placard at streamer ang mga sumali sa pagkilos.

Bahagi ito ng ikinasang Nationwide Walkout of Students ng mag-aaral mula sa University of Sto Tomas, Polytechnic University of the Philippines at mga miyembro ng League of Filipino Students, Anakbayan at National Union of Students of the Philippines.

Nananawagan ang grupo laban sa mga pagpatay sa ilalim ng war on drugs, paninikil sa press freedom, paglaganap ng fake news at jeepney phase out sa administrasyong Duterte.

Kaugnay ng nasabing pagkilos, nagsikip ang daloy ng trapiko sa España dahil isinara ang Morayta para sa programa ng grupo.

Naapektuhan din ang daloy ng traffic sa Recto at Legarda nang magtungo ang grupo sa Mendiola.

;

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

147 SHARE

Post Comments