WATCH: Pag-aamok ng isang lalaki sa Tondo Maynila, nakuhanan ng CCTV

     7 months ago
26
Leave a Comment
4 SHARE

Sugatan ang isang lalaki matapos saksakin ng gunting at basag na bote ng kanyang kainuman sa Anacleto St. Sta. Cruz Maynila.

Kwento ng mga saksi, mayroong birthday party sa lugar nang biglang nag-amok ang suspek na si Glenjoy Palilio dahil sa sobrang kalasingan.

Dahil sa pagkapikon, pinatulan ng mga residente ang suspek at hinampas ito ng upuan.

Naghanap naman magagantihan ang suspek at dito na kumuha ng gunting at basag na bote.

Sinubukan siyang pigilan ni Joshua Bilandres alias Balong, 22 taong gulang.

Pero sa pagmamagandang-loob ni Bilandres ay siya pa ang naundayan ng saksak.

Matapos nito ay tumakas na ang suspek na sakay ng tricycle. Makikita rin sa kuha ng CCTV ang pag-alis nito sa lugar.

Naisugod naman agad sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktima na nagtamo ng mga sugat sa mukha, likod at tagiliran.

Samantala, nasa kustodiya na rin ng mga pulis ang suspek matapos maabutan sa ospital.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

4 SHARE

Post Comments