WATCH: Pangulong Duterte, dumalo sa birthday celebration ng dating asawa

     5 months ago
157
Leave a Comment
74 SHARE

Hindi pinalampas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ika-70 kaarawan ng kanyang dating asawang si Elizabeth Zimmerman Duterte.

Present ang pangulo sa selebrasyon ng kaarawan nito na ginanap sa Davao Convention Center.

Si Zimmerman ang ina nina Mayor Sara Duterte, Paolo Duterte at Sebastian Duterte.

Sa mga larawan at video na ibinahagi ni Davao City Information Officer Jefry Tupas sa Facebook, makikita na sinayaw ng pangulo ang kanyang dating asawa.

Bakas sa mga mukha ng mga anak ng pangulo ang tuwa at nagcheer pa sa dalawa habang nagsasayaw.

Kinantahan niya rin ito ng paborito nyang awitin na “Ikaw” at hinalikan pa sa entablado.

Sinabi rin ng pangulo na kung bibigyan siya ng panibagong pagkakataon at panibagong buhay ay pakakasalan pa rin niya si Elizabeth dahil ito anya ay pagmamahal.

“Given another chance, another life, I would still marry Elizabeth. Because that is love.”, ayon sa pangulo.

Source link

74 SHARE

Post Comments