White House vs Democrats: Nagsisihan sa US gov’t shutdown

     3 months ago
9
Leave a Comment
3 SHARE

Nagsisihan ang ilang opisyal ng pamahalaan sa Estados Unidos, kasunod ng government shutdown matapos hindi makalikom ng sapat na boto sa Senado ang panukalang pondo ng bansa.

Naunang ibinato ng White House ang paratang sa Democrats, kung saan sinabi ni Press Sec. Sarah Sanders na pinulitika umano ng partido ang desisyon, at binalewala ang mamamayan ng Amerika, gayundin ang kakayahan ng pamahalaan na maglingkod sa kanilang bansa.

“Tonight, they put politics above our national security, military families, vulnerable children, and our country’s ability to serve all Americans.”

Dahil dito, hindi umano makikipag-negosasyon ang gobyerno sa estado ng mga may kasong immigrants, pagkat ani Sanders, hawak kasi ng Demokratikong partido ang mamamayan ng bansa sa ilalim ng kanilang mga demand.

“We will not negotiate the status of unlawful immigrants while Democrats hold our lawful citizens hostage over their reckless demands. This is the behavior of obstructionist losers, not legislators,” dagdag pa ni Schumer.

Bumwelta naman si Senate Minority Leader Chuck Schumer at ibinato pabalik kay Pres. Donald Trump ang sisi pagkat ito naman umano ang naglagay sa kanilang posisyon sa botohan nitong araw, kung kaya dapat daw ito tawaging “Trump shutdown.”

“It’s almost as if you were rooting for a shutdown. And now we will have one. And the blame should crash entirely on President Trump’s shoulders. This will be called the Trump shutdown. This will be called the Trump shutdown because there is no one, no one, who deserves the blame for the position we find ourselves in than President Trump,” ani ng senador.

Nagsara sa 50-49 ang boto ng mga senador, kung saan 60 sana ang kailangan para maipasa ang pondo.

Kakambal ng shutdown ang hindi muna pagpasok ng mga government officials sa kanilang opisina pagkat walang ipambabayad sa kanilang sahod.

Habang maglilingkod pa rin ang mga public safety at national security employees, ngunit walang matatanggap na sweldo.

Ang government shutdown ng Amerika ay nataon pa sa 1st year ni Trump mula ng siya ay manumpa at umupo bilang pangulo sa parehong petsa noong 2017.

Source link

Post Comments