Yu Yuk Lai, binisita ni Dela Rosa sa piitan

     2 months ago
64
Leave a Comment
6 SHARE

 

Binisita ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa ang umano’y Filipino-Chinese drug queen na si Yu Yuk Lai sa piitan sa Mandaluyong City.

Nang tanungin ang hepe kung ano ang kanyang pakay sa Correctional Institute for Women (CIW), sinabi niya na si Yu ang pinuntahan niya.

Ipinahayag ni Dela Rosa na nais niyang balaan si Yu na paiigtingin niya ang pagsawata sa kalakaran ng iligal na droga sa loob ng mga bilangguan oras na maupo siyang hepe ng Bureau of Corrections.

Ayon kay Dela Rosa, itinanggi ni Yu na nagpapatuloy ang kanyang negosyo ng iligal na droga.

Dagdag ng PNP chief, oras na pamunuan niya ang BuCor, wala nang suliranin sa iligal na droga sa mga bilangguan.

Kinasuhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sina Yu at kanyang anak na si Diane Yu Uy makaraang makumpiska ang mga iligal na droga sa isang condominium sa Maynila noong Nobyembre.

Source link

6 SHARE

Post Comments